Posts

Psychoanalysis | Sa Orihinal na Panulat ni Nikki Buluran Cabanting

Image
Psychoanalysis  Sa Orihinal na Panulat ni Nikki Buluran Cabanting  Hindi ko na matunton kung nasaan na nga ba ang kauna-unahang tula na aking hinabi, hindi sa aking kinaklahang wika, kundi sa wikang nakahumalingan kong aralin, ang wikang Ingles. Hindi lang ang balarila ng naturang lengguwahe, kundi lalo na ang mga salita na hindi karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.  Mas lumabas ang mga naaral kong "highfalutin terms" sa mga sumunod kong tula, sumunod matapos ang ilang panulat sa Filipino, at isang payak na tula sa Ingles.  Hindi ko ilalapag sa kanilang pagkasusunod-sunod (ayon sa taon o panahon na naisulat) ang aking mga akda, kundi sa pinakatumatak sa akin dahil sa emosiyon na kaakibat ng mga ito.  Ang mauuna sa lahat ay siya ring binigyang-buhay ng anak ko sa aming YouTube Channel, bunsod na rin nang pagkayamot sa bahay noong kasagsagan ng pandemiya.  Ito ang aking tulang PSYCHOANALYSIS.  Bigyan ko lang kayo ng konteksto. T...

Bulalas ni Narsing

Bulalas ni Narsing |  Tinta Para sa Bulak